Dinalaw ng mga Hollywood star ang Pinoy ring icon na si Manny Pacquiao sa kasagsagan ng kanyang training sa Wild Card Gym sa California USA. Sikat Ang Pinoy, ito ang sabi ng mga bumibisita sa training ni Manny Pacquiao. Unang dinalaw si Manny ng Hollywood Action star Steaven Seagal noong nakaraang Linggo tapos kahapon naman ay dinalaw naman siya ng isa ring sikat na Hollywood action star na si Jean Claude Van Damme at Danny Trejo.
Napag-alaman din kanina na pinuntahan rin ng Entourage cast si Manny upang panuorin ang paghahanda sa March 13 fight. Hangang hanga sila sa bilis, liksi at sa galing ng Pinoy.
Posible ring lilipat ng training place ang kamp ni Manny Pacquiao dahil nais ng coach niyang si Freddie Roach na maexpose siya sa malamig na panahon.
