Pinoy Power 3

by Sikat Ang Pinoy on February 7, 2010

The Filipino FlashIlang araw na lang masasaksihan na ang Latin Furry 13 / Pinoy Power 3 na gaganapin sa Las Vegas Hilton. Idedepensa ng Pinoy WBA interim super flyweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire ang Chapionship belt laban sa kay numero unong contender na si Gerson Guerrero.

Si Donaire ay may magandang record na 22 wins, 1 lose and 14 KO at kasama rin sa top 10 ng pound for pound boxer.

Ayun naman kay Donaire hindi basta basta ang kanyang kalaban dahil isa rin itong knock out artist, kaya tudo ensayo ang Pinoy. Kaisparing naman niya sina Randy Caballero, Eric Manriquez at Bruno Escalante upang maitrain ang bilis at ang pwersa. Naniniwala naman ang kanyang Mexican trainer na si Robert Garcia na manalo ang Pinoy dahil isa raw umano itong Complete Fighter at konti na lang ang kanyang babaguhin.

Sikat Ang Pinoy sa bilis at pwersa ng kamao pagdating sa boksing kung saan halos lahat ng mga Pinoy Power 3 ay mga knock out artist. Ilang Pinoy rin ang maglalaro, tulad ni Bernabe Concepcion na ipapamalas ang galing para mayagpag. Kabilang din sa Pinoy Power 3 ang boksingerong si bantamweight Gerry Peñalosa at ang taga Bohol na si Ciso Morales.



Leave a Comment

Previous post:

Next post: