Pinoy Kampeon sa Senior One Pocket Mini Event
Kampeon naman ang isang sikat ang Pinoy manlalaro ng Pilipinas sa larong billiard matapos mamayagpag ang 60 anyos na Billiard Legend na si Jose ‘Amang’ Parica sa Senior One Pocket Mini-event sa ginanap na 12th Annual Event Derby City Classic 9-ball sa Indiana, USA.
Dinomina ni Amang Parica sa Finals ang 60+ anyos na si Brown Sy ng Amerika para makuha ang top posisyon sa 60 year old above touranment.
Si Amang Parica ay isang batikang Billiard player noong 1970′s bago pa man sumikat sina Efren Bata Reyes at Fransisco Django Bustamante. Nakilala rin siya sa buong mundo noong 1997 at naging sunud sunod na ang mga panalong natanggap. Siya rin ang kauna unahang presidente ng Philippine Pocket Billiard Association.
Bago pa man makilala ang Pinoy sa larong boxing, sikat ang pinoy sa larong billiard kung saan umani ng mga parangal at medalya ang ating mga kababayan mula sa ibat ibang world tournament kung saan naging mapalad ang mga manlalarong Pinoy.

January 27th, 2010 at 2:39 pm
galing talga ni amang parica..idol ko yan eh…