Pilipinas pang 6 na sa SEA Games

by Sikat Ang Pinoy on December 16, 2009

SEA GamesSikat talaga ang Pinoy, ang Pilipinas ay pang 6 ngayon sa South East Asian Games na ginaganap sa bansang Laos. Ang mga atletang Pinoy ay nakakuha ng 26 na ginto, 24 na pilak at 38 na bronze, sila ang pumewesto sa pang anim sa mga bansang sumali sa nasabing laro. Muntik nang mahabol ng bansang Laos ang Pilipinas kahapon ng may dumagdag ang kanilang ginto medalya sa 22 habang ang Pilipinas ay may 23 na medalya, pero nabawi ng Pilipinas kaninang lamang.

Nangunguna pa rin ang bansang Thailand sa tala na 55 na gintong medalya at sa kabuuan na 186 lahat na medalya, pumapangalawa naman sa kanila ang bansang Vietnam na may 47 na gintong medalya at 139 na kabuuang medalya, pangtatlo ang Singapore na may 32 na gintong medalya at 86 na gintong medalya, samantalang pang apat ang bansang Malaysia na may 29 na gintong at may kabuuang 109 at pumapanglima ang Indonesia, sumunod ng Pilipinas pumapangpito ang Laos, pangwalo ang Myanmar, pangsiyam ang Cambodia. pangsampu ang Brunei at pumanghuli ang Timor Leste.

Posted by: Sikat Ang Pinoy

Leave a Comment

Previous post:

Next post: