Parada ng MMFF bukas na!

Wapakman

Wapakman

Bukas na isasagawa ang parada ng Metro Manila Film Fest (MMFF) ngaung 2009, ito ay inaabangan halos ng mga Pinoy dahil sa naggagandahang float kung saan nakasakay ang mga sikat na artistang Pinoy cast ng ibat ibang pelikula.

Tampok sa mga kasali ang Wapakman kung saanang bida ay ang sikat na pound for pound king Manny “Pacman” Pacquiao, kabilang rin ang mga pelikulang Love You Goodbye,” “Mano Po 6: My Mother,” “Ang Panday,” “Ang Darling Kong Aswang,” “Nobody, Nobody But Juan at Shake Rattle and Roll 11.

Mano Po 6: My Mother
Mano Po 6: My Mother

Isa rin sa pinaghahandaan ng mga stars ang kanilang float na sasakyan kung saan ang “Best Float” ay mananalo ng Php. 700,000. Ang parade ng mga bituin ay magsisimula sa SM Mall of Asia SMX Convention Center na patungong Roxas Boulevard at magtatapos naman sa Quirino Grandstand.

Posted by: Sikat Ang Pinoy

Leave a Reply