Labanang Pacquiao at Mayweather tuloy na sa 2010

pacquiao vs mayweather

Pacquiao vs Mayweather

Tuloy na tuloy na ang hinihintay ng lahat na laban ng ating sikat na boksingerong si Manny “Pacman” Pacquiao laban sa Amerikanong si Floyd “Money” Mayweather.  Nagkasundo sila sa partihan ng 50/50 sa kikitaan sa pay per view, pero hindi pa ito matukoy kung saang lugar sa Amerika gaganapin ang naturang laban, kung sa Las Vegas ay ok naman ang ating kampeon na si Pacman at kung sa Dallas or New York ito gaganapin.

Ito ang isa sa malaking laban sa taong 2010. Ito ay inaantabayanan ng mga tao mula sa ibat ibang panig ng mundo.  Kaya malaki ang kikitain ng Top Rank at Pay per view.

Aminado naman si Batista isang sikat na Pinoy wrestler na papatumbahin umano ni Pacman si Mayweather. Siya umano ay isa sa milyon milyong fans na humahanga kay Manny. Inamin naman ni Batista na my mga balak sila ni Manny na gumawa ng isang pelikula.

Nakapagkapalagayang loob na niya si Manny at mabait daw ito kaya gusto niyang makasama sa isang pelikula.

Posted by: Sikat Ang Pinoy

Comments Closed

Comments are closed.

Powered by Unlimited Business

Like us on Facebook