Napapabalitang ito na raw ang huling laban ng Pambansang kamao ng mga Pinoy at kasalukuyang pound for pound king kay Floyd Mayweather.
Subalit iba naman ang paniniwala ni coach Roach, naniniwala siya na hindi pa ito huling laban ni Manny Pacquiao at ayon sa kanya na aakyat pa ito muli sa boxing ring.
Hindi rin umano balakid ang political career ng 7-time world division champion kapag may mga susunod pang laban oras na manalo sa darating na eleksiyon.
Kinumpirma naman ng pound for pound king sa mga panayam sa press na nalalapit na ang kanyang pagretiro sa boksing at sinabi niya na posibleng huling laban na nito is Mayweather.
Ang Pacquiao vs Mayweather Fight ay gagawin sa MGM Grand, Las Vegas sa March 14, 2010. Isa ito sa pinakamalaking laban na magaganap sa susunod na taon at ito ay inaabangan ng mga Pinoy at maging ang mga tao sa ibat ibang panig ng mundo. Ang dalawang sikat na boksingero ay magsisimula ng mag-insayo sa susunod na taon.
Posted By: Sikat Ang Pinoy





