Kung my Kung FU ang China, Muay Thai ang Thailand, at Taekwondo ang Korea, ang Pinoy my Sikat na Arnis.
Idinaklara ang Arnis bilang National Art and Sport ng Pilipinas kanina. Nilagdaan ni Pangulong Arroyo ang Republic Act No. 9850, isinasaad dito na ang Arnis ang magiging pambansang laro ng mga Pinoy.
Nakatakda namang laruin ang kaunaunahang Arnis sport Competition sa gaganaping Palarong Pambansa. Inatasan rin ang DepEd at Philippine Sports Commission na gumawa ng mga bagong rules and regulations sa laro.
Batay sa batas, ang arnis ay isang uri ng physical sport na ginagamitan ng dalawang patpat (stick) at ito ay kilala sa pangalang Eskrima, Kali at Garrote. Sikat ang Pinoy sa ganitong larangan ng pampalakasan kaya ito ay ginawang pambansang laro.





