Sikat Ang Pinoy no image

Published on December 8th, 2009 | by Lloyd Herrera

0

Ang Magalang na Pananalita

Sikat ang Pinoy sa buong mundo dahil sa magalang na pananalita. Isa ito sa kinauglian ng ating lahi. May kasabihang “Ang tao’y mapagkikilala sa kanayang pagsasalita.” Ang isang batang paslit na magalang manalita ay umaakit ng paggalang ng kanyang kausap at maging ng nakakarinig sa kanya. Ang paggamit ng mga salitang “po,” at “opo,” “hindi po,” “mawalang galang na po,” at iba pa sa mga kinakausap na nakatatanda ay nagpapakilala ng isang batang may mabuting kalooban at nakakabatid sa magandang asal. Maging sa kausap na kasinggulang mo o nakakabata sa iyo, gagamit ka rin ng mga salitang magalang bagaman hindi kailangan ang katagang “po.” Ang mga salita at parirala at iyong pipiliin bago ka sumagot sa iyong kausap. Ang mga salitang “salamat,” “ipakiabot,” “ipagpaumanhin” at ang mga lipon ng salitang buong puso,” “maari ba,” “kung hindi makaaabala sa iyo,” at iba pa ay huwag mong lilimutin sa iyong pakikipag-usap.

Ang paggalang at paggamit ng mga salitang magalang ay nagpapakita ng kataasan ng iyong uri sa pakikipagkapuwa. Ipinakikilala ng kataasan ng iyong uri sa pakikipagkapuwa. Ipinakikilala mo rin sa paggamit ng magagalang na pananalita na ikaw ay may pinag-aralan. Makikita mo at gaya ng sinasabi ng isang tugma sa unahan ng pangkat, ikaw ay aakit ng papuri ng madla at magiging hantungan ka ng paghanga ng iyong kausap at ng nakakarinig sa iyo.

Sikapin po nating maging magalang sa lahat ng sandali dahil dito tayo kilala bilang mga Pinoy.

Tags: , , ,


About the Author

Lloyd Herrera is SEO Engineer and blogger and it is the owner of this blog Paslit.com. You can follow him on Google+



Comments are closed.

Back to Top ↑