ABS-CBN “It’s Showtime” nagbalik na!

by Sikat Ang Pinoy on January 20, 2010

sikat ang pinoy

Noong ika-18 ng Enero 2010 nagbalik na ang pinakapaborito kong palabas na ang It’s SHOWTIME tuwing tanghalian. Ang mga hosts na sina Anne, Vhong, Kuya Kim, Jugs, Teddy at ang mga Hurado lalo na si Vice ganda ay napakasaya dahil sa pagbabalik ng kanilang programa na inaabangan ng mga manonood tuwing tanghalian na nagbibigay ng saya sa mga manonood. Ang programang ito ay nasuspende at muntikan ng mawala dahil sa mga salitang binitawan ni Rosanna “Osang” Roces laban sa mga titser na hindi umano nagustuhan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). At dahil dito nabigyan umano ang programa ng 20-day preventive suspension order at napagwalang-bisa naman sa pag-iisyu ng temporary restraining order (TRO). Dahil sa nangyari si Armida Siguion-Reyna ay nagsabi sa stasyon na pag-igihan o palakasin pa ang sistema ng regulasyon nila para hindi na maulit umano ang nangyari. Dahil sa nangyari ito sikat ang pinoy!

{ 1 comment… read it below or add one }

gwapo ako January 21, 2010 at 12:36 am

hay salamat..gustong gusto ko talga ang showtime..as in!

Leave a Comment

Previous post:

Next post: